Philippine Information Agency
02 Jun 2020, 18:08 GMT+10
MAYNILA, Hunyo 2 (PIA) -- Puwede na mag-operate ang mga "dine-in" restaurants sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ), ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque sa naganap na Press Briefing sa Malacanang ngayon araw.
"Pinayagan na po ang dine-in operations pero hindi po nangangahulugang piyesta at inuman na. At sa ngayon po ang dine-in ay para lamang po sa MGCQ," ani Sec. Roque.
Idinagdag ni Roque na kailangan pa rin sumunod sa minimum public health standards protocol at maaari pa rin ipasara ang outlet kapag hindi sumusunod sa tinakda ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Tourism na siyang maglalagay ng post-audit mechanism.
Sa press briefing, ipinaliwanag ng Kalihim ang sumusunod na mahahalagang punto ng DTI guidelines on Minimum Health Protocols for Dine-In Restaurants and Fast-Food Establishments:
Para sa pagkuha ng order sa dine-in para sa non-single use menu. Sa pagpasok sa restaurant dapat siya ay gabayan patungo sa nakatakdang mesa na may naayong numero. Matapos ay pipili ng order sa menu na nakalagay sa mesa o sasabihin sa ordertaker na may isang metro na phydistancing. Ang customer at server ay kinakailangan magsanitize ng kamay pagkatapos mag-order at magbayad. Para naman sa pagseset-up ng mga service station, hindi pwede ang buffet at self-service area para sa mga bar ng pagkain, sawsawan, at kubyertos. Kinakailangan rin magtakda ng lugar para sa take-away o pick-up. Dapat ay hiwalay ang lababo para sa paghuhugas ng kamay ng mga tauhan sa kusina at mga dine-in customers. Pinaaalalahanan ring iwasan ang kontak sa mga drive-thru at panatilihing sarado ang mga lugar sa paglalaro. Sa paglabas sa naman sa kainan, walang pisikal na kontak habang nagbabayad at kinakailangang maglagay ng maliit na tray sa pagtanggap ng pera. Ang mga establisimiyento ay maari rin mag-alok ng mga alternatibong mga mode ng pagbabayad kung naaangkop. Regular rin ang paglinis ng mga lugar na madalas nahahawakan tulad ng mga hawakan ng pintuan, mga mesa, at iba pa.
Ayon kay Roque, ang namamahala ng kainan ay kinakailangan siguraduhin ang pagsunod ng minimum health standards na ipapalabas ng DTI sa pamamagitan ng isang memorandum circular.
Para sa mga lugar na idineklara nasa ilamin ng MGCQ, ang mga restaurant na dine-in ay pinapayagan mag-operate ng 50% capacity simula ng 1 June 2020. Samantala, ayon sa kanya wala pang anunsyo kung kalian papayagan ang dine-in para naman sa mga nasa ilalim ng GCQ. (JAMT/PIA-IDPD)
Get a daily dose of International Travel News news through our daily email, its complimentary and keeps you fully up to date with world and business news as well.
Publish news of your business, community or sports group, personnel appointments, major event and more by submitting a news release to International Travel News.
More InformationNEW YORK CITY, New York: Former British prime minister Rishi Sunak will return to Goldman Sachs in an advisory role, the Wall Street...
LONDON, U.K.: Physically backed gold exchange-traded funds recorded their most significant semi-annual inflow since the first half...
AMSTERDAM, Netherlands: Some 32 percent of global semiconductor production could face climate change-related copper supply disruptions...
NEW YORK, New York - U.S. stocks rebounded Tuesday with all the major indices gaining ground. Markets in the UK, Europe and Canada...
NEW YORK CITY, New York: Financial markets kicked off the week on a cautious note as President Donald Trump rolled out a fresh round...
RIO DE JANEIRO, Brazil: At a two-day summit over the weekend, the BRICS bloc of emerging economies issued a joint declaration condemning...
WASHINGTON, D.C.: Travelers at U.S. airports will no longer need to remove their shoes during security screenings, Department of Homeland...
PARIS, France: A strike by French air traffic controllers demanding improved working conditions caused significant disruptions during...
Pune (Maharashtra) [India], July 11 (ANI): A stunning transformation is underway in Pune, where trash is being turned into timeless...
New Delhi [India], July 11 (ANI): A special 'Swarnim Bharat Yatra' tourist train under the Bharat Gaurav scheme will depart on August...
Kolkata (West Bengal) [India], July 10 (ANI): Jammu and Kashmir Chief Minister Omar Abdullah on Thursday said that the responsibility...
Kolkata (West Bengal) [India], July 10 (ANI): Jammu and Kashmir Chief Minister Omar Abdullah on Thursday said that he stands firmly...